Josephine Bracken
Walang masasabing katuparan sa pag-ibig si Dr.
Jose Rizal kundi kay Josephine Bracken, isang dalagang lahing Irlandes, at
anak-anakan ng isang inhinyerong Amerikano, na nagngangalang George Taufer na
naninirahan sa Hongkong .May labingwalong taon noon si Josephine, maputi,
balingkinitan ang kanyang katawan, bughaw ang mga mata, mapulang mangitim
ngitim ang kanyang buhok at pangkaraniwan kung manamit. Dumating sila sa
Dapitan kasama si Manuela Orlac, upang ipagamot ang nabubulag na mata ng
kanyang ama-amahan. Sa unang pagkikita pa lamang nina Dr. Jose Rizal at
Josepine ay nagkaibigan na sila. Paano’y naniwala siyang si Josephine ay hulog
ng langit sa kanya, sa panahon ng kanyang pag-iisa. Sa tuwi tuwinang sila’y magkikita
ay lalong nagiging mahalaga sa kanya ang ating bayani, at ito naman, sa tuwi
tuwinang makakapanayam si Josephine ay lalo naman itong nagiging kaibig-ibig.
Kaya’t di naglaon at sila’y nagkasundo. Nang magkasundo ang ating bayani at si
Josephine ay nagbalak agad silang magpakasal kay Padre Obach, isang pari sa
Dapitan, ngunit sinabi nyang humingi ng pahintulot sa Obispo ng Cebu, kaya
naman naghawak kamay na lang sila at sila na ang nagkasal sa kanilang
sarili. Ang pagmamahal ni Dr. Jose Rizal
kay Josephine ay ipinakilala sa isang sulat ng ating bayani sa kanyang ina - sulat na niyari sa Dapitan.
No comments:
Post a Comment