Si Paciano
Mercado Rizal, ang kuya ni Jose Rizal, ay isa sa mga mahalagang katauhan sa
ating kasaysayan. Ang kanyang kontribusyon sa himagsikan ay ipinakita niya sa
pamamagitan ng kanyang mga gawain. Ipinanganak si Paciano noong 1851 bilang
pangalawa sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo
Realonda. Ang mga payo niya ang naging gabay ni Jose sa kanyang paglaki. Sobra
ang pagmamahal ni Paciano sa nakababatang kapatid. Malaki ang kanyang
pagtitiwala sa kakayahan at talino nito.
Ang mga
nasusulat tungkol sa buhay ni Paciano ay hindi mayabong sa detalye. Ang mga
salaysay tungkol sa kanyang buhay ay kadalasang nakabatay sa mga pangyayari sa
buhay ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Gayunman, ang mga
maliliit na bagay na nasulat tungkol sa kanya ay nagpapakita ng napakahalagang
papel na ginampanan niya sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Sinasabing noong mamatay
si Jose, iniwan ni Paciano ang buhay bilang haligi ng pamilya upang sumali sa
himagsikan. Dahil sa kanyang kakayahan at kagitingan, naabot niya ang ranggong
Heneral sa hukbo ni Emilio Aguinaldo.
Ang mga nakatala
ay naglarawan sa kanya bilang mapagmahal na kuya at magiting na tao. Dapat bang
kilalanin siyang isang dakilang bayani, hindi bilang kapatid ni Jose Rizal
ngunit bilang isang Paciano na may sariling katauhan, kagitingan at mahalagang
ambag sa kalayaan at pagkamulat ng sambayanang Pilipino? Kuya Paciano, ang simbolo ng pagpapaksakit
para sa layuning higit sa sarili.
No comments:
Post a Comment